Wednesday, February 27, 2013

ang mga kasinungalingan ni nanay

UNANG KASINUNGALINGAN noong bata pa ako, madalas
ay wala kaming
makain.Ngunit kung
sinuwerteng magkaroon ay
ako lamang ang pinakakain ng
aking ina.Kapag inalok ko sya, ang
sasabihin nya "Ikaw na lang
ang kumain busog pa ako" IKALAWANG
KASINUNGALINGAN pumapasok syang tagahugas
ng pinggan sa isang panciteria
ng intsik.Hating gabi na sya
kung dumating ngunit
nakukuha pa nyang magsulsi
ng mga sira kong damit.Kapag sinabihan ko na syang
matulog na, ang isasagot nya
"Kailangan kong tapusin ang
mga ito, hindi pa ako
inaantok" IKATLONG
KASINUNGALINGAN Kapag bagong sweldo, ibibili
nya ako ng fried chicken at
kapag sinubuan ko sya para
matikman ang pasalubong nya
para sa akin, iiling sya at
sasabihing:"Hindi ako mahilig sa Fried chicken, sa iyo na lang
yan" IKAAPAT NA
KASINUNGALINGAN Pumasok syang domestic
helper sa Saudi upang mapag
aral ako sa Kolehiyo.Lagi
nyang isinusulat sa akin
"Masaya ako dito at mababait
ang aking amo" Ngunit isang araw ay tumigil
na ang pagpapadala ng sulat ni
Inay IKALIMA SANANG
KASINUNGALINGAN
Kaya pala,may nangyaring
masama sa kanya.Hindi
totoong mababait ang amo
nya.Tira-tirahan lang ang pagkaing ibinibigay sa kanya.
Kasunod noon ay walang
awang
pambububog ang ginawa sa
kanya. Hindi na niya nakayanan ang
hirap at sa kapirasong pagkain
ay buhay niya ang naging
kapalit. Umuwi si Nanay na nasa loob
ng
kahon.Hindi na nya
maisasatinig
ang ikalima sanang
kasinungalingan Parang naririnig ko sa
kanyang
malumanay na boses ang
katagang, "Huwag kang umiyak anak....
Okey lang ako"

0 comments:

Post a Comment