Wednesday, February 27, 2013

How true?

credits: orig author

Limang taon na din nang
huli kong sariwain ang
kwentong to mula sa aking
Guro habang nag peperiodical
exam kami. Isang
Unibersidad, taong 2005 nang
mangyari ang lahat. Marahil
ang mga taga Binangonan
ay alam pa nito.
Alas sais ng Gabi, pauwi na
ang aming guro mula sa 4th
floor ng University of Rizal
System Binangonan at
dumaan sa Computer
Laboratory, 3rd Floor. Mula
bintana ay nakita nyang
gumagana pa ang isang
computer sa pag iisip na
naiwan lang to ng isang
estudyante. Tinitigan nyang
maigi. Gulat nya nang
makitang umaandar to pero
naka 'UnPLUG'. Sa kaba,
pumunta sya sa Guardhouse
at kinausap ang gwardya
para magpasama at
ikumpirma ang nakita.
Teacher: Manong Abelo,
samahan mo naman ako sa
taas, may nakaiwan yata ng
computer eh.
Walang salitang sumama
ang gwardya. Pag akyat ng
3rd floor ay binuksan neto
ang pinto at pinaupo ang
Gwardya para hintayin sya.
Nang makitang hindi na
gumagana ang computer..
Teacher: Manong tara na-
.. Wala na ang nakaupong
gwardya!
Sa pagmamadali ay naiwan
neto ang bag at pumunta
ulit ng guardhouse. Nakita
ang isang gwardya na
kabado nyang tinanong..
Teacher: Daniel!! Asan ba
yang si manong Abelo!?
Nagpasama lang ako sa taas,
iniwan naman ako!
Guard: eh.. Maam.. Dba po
nasa Pangasinan? Day off po
ni Manong Abelo.

0 comments:

Post a Comment