Wednesday, February 27, 2013

iba't ibang uri ng babae

Ibat ibang uri ng babae..

1. Pa-conyo: sila yung super
vain na kala mo everyday is
"foundation day." Magaling
mag-ingles, hindi umiinom ng
house water sa fastfood at
kung magbihis e kala mo parating may party. Sila rin
yung aakitin ka, pero hindi
bibigay….agad. Kailangan ng
matinding humor kung
talagang trip na trip mo sya
iuwi.

2. Top-of-the-line sosyalera:
Sila yung mga pinanganak na
may gintong kutsara sa bibig.
Lumaki sa aircon, straight
English kung magsalita pero
mahilig din silang magmarunong na magaling
silang mag-Tagalog pero ang
sama talaga pakinggan. Di
nakakarelate sa mga kanto
jokes, nagtatawanan na ang
mga tao di pa din nila nagegets yung joke. Lumaki
raw sila sa kalye playing
street games. Pero alam nyo
kung ano yun? Street hockey,
soccer, baseball, etc. Pffft!
Batang kalye nga. Mahirap abutin. Pero kung
masusungkit, pwede rin!

3. Feeling or Illusionaries:
mga mahilig mag-ilusyon na
magaganda sila at may
sinasabi sa buhay. Pinsan si
ganito, kilala si ganyan, may
lupain sa hibok-hibok para ma-impress lang ang kausap.
Sila ata ang tinutukoy ng
Parokya sa kanta nilang,
"Silvertoes." Madaling
kausap at minsan, isang sabi
lang, gora na yan… walang paliguy-ligoy pa. 10/11 ang
drama, sa sampung sinabi
labing-isa mali. Dagdag-
bawas magkwento kaya ingat
lang lalo na kung kiss and tell
sila.

4. One-of-the-boys: Sila yung
"ideal bestfriend." Cowboy
ba… Pwedeng biru-biruin,
masarap kasama sa inuman,
naiintindihan ang kalokohan at
kaberdehan ng kalalakihan, madalas gumamit ng "tsong"
at "pare" pag kausap mo.
Pero sila rin yung hindi
nagsasalita sa totoong
nararamdaman nila. Ingat din
ang mga boys sa mga ganitong girls- lalo na pag
nahuhulog na pala sa inyo.
Kawawa sila pag nasaktan.
Hmmmm…

5. Girlfriend-material: Sila
yung sa unang tingin pa lang
ng boys, abot-langit na ang
respeto. Sila yung mga
simpleng babaeng matipid
ngumiti, makikipag-kwentuhan pero hindi may mystique pa
rin. Na-c-curious ang mga
lalaki kung anong meron sa
kanila that they keep on
looking for more of that
person. Minsan ang hirap kausap dahil pabago bago ng
isip. Usually, sila ang
naliligawan, sinusuyo
hanggang mapa… OO.

6. Man-hater: Sa una,
mapagkakamalan mo silang
tibo dahil sobra silang
"boyish." Defense mechanism
nila yun dahil galit sila sa past
experience nila with an EX. Takot na daw sila masaktan.
Mahirap din silang getlakin
dahil matatakot ka sa
kasungitan nila. Ang hindi mo
alam, kulit lang ang katapat.
Bibigay din yan. Pero syempre, sa mga lalaki, dapat
armed ka with sympathy,
timing and humor. Kahit hindi
ka masyadong pogi, basta
meron ka nito- malaki na ang
chance mo.

7. Pa-Girl: OA sa pagka girl,
mayat-maya ang retouch
inaabot ng 30mins sa CR
kahit nasa mall kayo suklay ng
suklay ng buhok, mayat maya
nananalamin. Super freak-out sa kaarteyhan. Malakas mag
react ng "yuck!! Or eewwww"
kapag nakakarinig ng mga
maseselang usapin. Di nila
gets o maapreciate ang ibang
mga bagay bagay. Di mo alam kung makitid lang talaga utak
nila o talagang slow sila
makagets.. Basta ang hirap
nila ispelengin!!! Ang masama
eh kung 30 yrs old na pagirl
pa din… awts!

8. Super Friendly: By the word
itself, friendly siya sa lahat.
Napakabait, Napakadaling i-
aproach napakalawak ng
pang-unawa on things.
Masarap hingan ng payo. Pero minsan namimisinterpret
ng iba. Aakalain ng guy na
may gusto sa kanya si super
friendly. Lalo na sa
pagmimisinterpret sa kanila
ng girls dahil pinagchichismisan sya ng
masama, siguro kinaiinggitan
kasi. Ang hirap din minsan ng
masyadong mabait.

9. Doble-Kara: Eto yung
matino or mataray pag
normal, pero pag nakainom eh
bigla na lang sasayaw sa
ibabaw ng mesa, or iiyak ng
walang malinaw na dahilan, or magiging robot na hindi na
alam ang nangyayari,
gumagalaw lang pero di
nagrerespond sa kapwa,
meron ding biglang nang
aaway pa. Nakakatakot sila painumin kasi nakakahiya sila
kasama pag nalasing.

10. Ms. Know-it-All: Gusto
nilang i-impress ang lahat ng
tao- especially ang mga
kalalakihan, thinking na ma-g-
getsung nila ito. They think na
mas matalino sila sa guy at kaya nila itong paikutin. Pero
wag ka. A good guy can
recognize a smart girl. Boys,
ingat sa mga tulad nila dahil
yung pagka-Know-it-all ay
pwedeng mauwi sa paninira sa ibang tao at mga buhol-
buhol na kasinungalingan.

11. Problematic: Sila yung mga
girls na kala mo kailangan lagi
ng karamay o mag-aalaga sa
kanila. Pa-emo minsan..
Hanap lagi yung instant
Knight-in-Shining-Armour. Dapat mag-ingat ang mga
girls na ganito dahil pag
problemado sila, mas
madaling nakaka-score ang
mga kalalakihan lalo na yung
magagaling mambola.

12. Babaeng-Bakla: Isa sa
pinakagusto kong personality
ng babae. Tipong laughtrip
lagi pag kasama mo.. Hindi
maarte, bulgar kung bulgar
magsalita pero nasa timing. Punong puno ng humor. At
minsan kung pikon ka maiinis
ka sa pang-ookray niya pero
ok lang yun lambing lang niya
iyon.

13. Silent but deadly: Maria
Clara ang datingan, Di sila
masyadong palakibo, or
masalita. Kung magsasalita
man eh parang sila lang
nakakarinig sa sinasabi nila. Pero wag matahin… Nasa
loob ang kulo nila. Talagang
mabibigla ka sa matutuklasan
mong ibang side ng girl na
ito….

14. Camwhore: Wala naman
kinalaman to about sa
pagkarir, share ko lang.. Sila
yung kahit saan mapunta eh
magpipicture ng sarili niya
maya't maya. Kahit di na sa kanya yung celfone puro
mukha na nia ang laman. Iba-
ibang anggulo pa pero magulo
naman karamihan ng kuha.
Pipiliting iphotoshop pero lalo
lang sumasama. Tapos yung karamihang kuha naman eh
nakaside lang yung mukha.
Nakakapeke kasi ang ganung
posing, nakakapagpaganda.
Tapos di pa makukuntento
may mga kuha ding nasa taas yung cam and nakaside pa din.
Kasi nakakapayat yun, diba?
Uuuyyy gagawin na nila yan
lagi hehehe.. Daming picture
sa fs, fb or multiply na puro
mukha lang naman… na naka- side.

15. Flexible: Eto yung girl na
akala mo sa unang tingin, di
mo mareach mukhang
snobbish, and maselan, pero
pag nakuha mo ang loob at
nakilala mo ng husto eh di pala maarte co-boy din sya na
hindi one of d boys. Kahit
saan nakakarating mula
Rockwell hanggang Divisoria.
Walang arte, Kakain kahit
saan mapa Fridays or fishbolls sa kalsada. Ang
sarap magkaroon ng
girlfriend na tulad nila.

16. Flirt: In tagalog, Malandi,
Syota ng bayan…. game!
Kadalasang sila yung mga
liberated, bombshell na
talagang pansinin manamit,
magsalita, at kumilos. Madaling pumatol lalo na kung
gwapo or mayaman.

0 comments:

Post a Comment