Friday, March 15, 2013

kalurky!!

twitter.com



Credits: Nocurfew of PD

Pwedeng mangyari ito sa totoong buhay kaya ingat sa biyuda na may
dalagang anak.!


Nagtagpo sina Digs at Ding sa isang bus stop at nag usap sila. Panay
panay ang emote ni Ding ng mga problema sa kanyang pamilya. Hanggang
si Digs ang nagsalita,..
Pare sa tingin mo, nakakaloko ang mga problema mo sa pamilya mo?
Tingnan mo naman sitwasyon ko.

Ilang taon na ang nakaraan,nakatagpo ko ang isang biyuda na may isang
dalagang anak. Nagpakasal kami kaya nagkaroon ako ng isang
stepdaughter. Hindi nagtagal, dahil biyudo na rin ang father ko,
pinakasalan ng tatay ko ang stepdaughter ko. Kaya ang nangyari ang
stepdaughter ko ay stepmother ko na rin at ang tatay ko ay stepson ko
rin.

Ang misis ko ay naging mother-in- law ng kanyang father-in-law.
Biyenang babae ng kanyang biyenang lalaki, ikanga. Ang anak na babae
ng aking asawa, ang aking stepmother, ay nagkaroon ng anak na lalaki,
ang sanggol na eto ay halfbrother ko dahil anak siya ng aking ama.
Pero dahil anak siya ng anak ng aking asawa, apo siya ng aking asawa.
Kaya lolo ako ng aking kapatid sa ama.

Ok pa sana ito, hanggang nagkaroon kami ng asawa ko ng isang anak na
lalaki. Ang halfsister ng aking anak, ang aking stepmother,ay lola rin
niya. Kaya ang tatay ko ay brother in law ng aking anak, na ang
stepsister ay asawa ng aking anak. Kung gayon,ako ay brother in law ng
aking stepmother. Ang asawa ko ay tiyahin ng sarili niyang anak. Ang
anak ko ay pamangkin ng aking ama,at ang sarli ko ay LOLO ko, oh di ba
nakakaloka?

0 comments:

Post a Comment