Sunday, May 26, 2013

Realization hits. . Truth hurts. .

1.Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap
na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang
makasama ka.


2.kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramdam,
mag-ingat-ingat ka naman. dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan,
kaya mo namang makasakit.

3.Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang
taong uupo sa puwang sa tabi mo... ganyan ang scenario sa bus, ganyan
din sa pag-ibig... lalong di mo kontrolado kung kelan sya bababa

4.Bago ka mag-react, isipin mo muna kung bakit biglang nagbago sa'yo
ang isang tao. Kasi minsan, ikaw din mismo ang gumagawa ng bagay kung
bakit sila biglaang nagbago
5. Minsan kailangan mong makalimot, para ikaw naman ang maalala
6.Ang PINAKAMASARAP? Yung hindi sinasabi pero nararamdaman. Yung
walang singsing pero kuntento. Yung hindi kayo pero mahal ang
isa't-isa. Yung walang sumpaan pero walang iwanan... at yung walang
titulo pero alam mong iyo
7.Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa.
Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo,
at mauubos ang oras
8.Makakabalik ka nga sa lugar pero hindi sa panahon... makikita mo
ulit ang taong minahal mo pero hindi na mauulit ang naramdaman ninyo
noon. Lahat ng nangyari noon ay isa na lamang masayang gunita ngayon,
isang bintana sa kahapon, na paminsan-minsan ay gusto mong masulyapang
muli... sabay bulong sa sarili: Sana pwedeng ...ibalik ang mga
nangyari noon para magawa kong tama ang mga maling desisyon ng
pagkakataon
9.Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sa'yo. Gamitin ang
utak para alagaan ang sarili mo
10.Wala namang masama sa pangingibang-bayan. Walang masama kung gusto
mong lisanin ang barkong sa tingin mo'y papalubog na. Basta't wag mo
lang hahagisan ng anumang pabigat ang barko habang pinagsusumikapan
itong isalba ng ibang tao
11.Sana ang pag-ibig ay katulad ng pamasahe sa jeep, na kapag buo ang
binigay mo... sinusuklian ka pa rin kahit papaano
12.Sabi nila ABNORMAL daw yung taong pumapayag saktan ng taong mahal
nila. Sabi ko naman... eh di'ba MAS ABNORMAL ang taong SASAKTAN KA
saka sasabihing... MAHAL NA MAHAL KA nya??-MC DUANE
13.Ang tunay na pag-ibig madalang ang biyahe... kaya kapag dumaan
sa'yo, parahin at sumakay ka na, kasi hindi mo alam kung babalik pa
yun. Siguro nga babalik pa... Eh, paano kung may sakay ng iba?
14. Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pagtitiyagaan,
limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang
yan ng mga kabataan sa pananaw ko ay wala ng gugustuhing umiwas sa
eskwela
15.Kapag nabasag ang puso… hindi laging malakas gaya ng isang
pagsabog. Pwedeng kasing hina ng nalalaglag na dahon… na ang masakit,
ikaw lang ang nakakarinig.=EDWARD AQUINO
16.Mahirap pumapel sa buhay ng tao lalo na kung hindi ikaw ang bida sa
script na napili niya
17. Pasko na naman at malamig ang simoy ng hangin, masarap sana kung
mayroon kang kasintahan na kapiling at yayakapin, sabay kayong kakain
sa NOCHE BUENA at MAGBUBUKAS NG MGA REGALO. Pero katulad ng dati,
nag-iisa ka pa rin, pero ayos lang yan! Kung nalulungkot ka dahil
hindi pa dumarating ang taong nakatadhana sa'yo, wag ...ka masyado
malungkot, dahil kahit sya mismo hindi pa ganun kasaya... dahil wala
ka pa.-MC DUANE
18. Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man
lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa
mga taong literado pero hindi nagbabasa
19. Masakit SAKTAN ang MINAMAHAL lalo na kung di mo SINASADYA. Kahit
GUSTUHIN mo man na ITUWID ang lahat ng mga PAGKAKAMALI mo eh saka mo
pa lang MALALAMAN na HULI na pala... kasi, NAITAMA NA NG IBA.-MC DUANE
20.Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. Hindi ito
multiple choice, identification, true or false, enumeration or
fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw.
Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa
kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.
21.Ang pag-ibig parang sugal. Minsan panalo... minsan talo. Pero ang
pinakamasakit sa lahat... yung makita mong panalo ka sana, pero di ka
naman tumaya.
22. Masakit daw umibig palagi ka raw iiyak, palagi ka raw aasa at
maghihintay sa wala... sabi ko naman ganun lang yun talaga dahil kung
di ka masasaktan... di mo malalamang nagmamahal ka na pala. -MC DUANE
23.Ang PAG-IBIG nga naman parang EXAM... pinag-iisipan,
pinaghahandaan, di ka EXEMPTED masaktan, kailangan PASADO ka sa
kanya... kaya habang maaga pa galingan mo na... kung ayaw mong ma
DROP-OUT ka. - FELIPE LAGMAN
24.Bakit pag may gusto tayo kailangan iwanan natin yung iba para lang
makuha yun? Pero pag andyan na, saka mo lang malalaman na yung taong
iniwan mo ay minsan na ring iniwan ang lahat-lahat sa buhay para lang
sayo...
25.Mag-aral maigi; kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa
pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng
mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher
26.Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko
27.Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag
nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang
makaharap ulit ang taong tinalikuran mo
28.Wag ka masyado mag expect. Wala kayong commitment. Pwede ka
magselos, pwede ka magtampo pero hindi ka pwedeng magalit. Pwedeng
makipag-date sa iba pero wag na magpapaalam. Pwede mo siyang
lambingin, pwedeng yakapin at pag nalaman mong may bf/gf na siya
, pwede ka umiyak. Pwede ka masaktan pero hindi mo siya pwedeng
sumb...atan. Dahil wala kang karapatan. Dahil ang M.U. ay isang
"MAGULONG USAPAN"
29.Maglaro ka ng SNAKE sa cellphone, mapapansin mo, para siyang
RELASYON. Sa una, hindi mo iisiping HAHABA ng ganon. Tapos, kapag
TUMAGAL na, nagiging EXCITING pero NAKAKATAKOT dahil baka sa ISANG
UNTOG lang... MATAPOS ang lahat!!-MC DUANE
30.Ang dahilan kung bakit hindi ka dapat magmahal ng dalawang tao sa
parehong panahon ay katulad ng kung bakit hindi ka pwedeng magsuot ng
sapatos na hindi magkapares sa parehong oras... posible, pero pangit
tingnan.
31. Minsan di rin naman talaga ginusto ng mga taong minahal natin ang
saktan tayo. Di naman nila sinasadyang iwan tayo para sa bagong
dumating. Minsan kailangan natin tanggapin na sa paniniwala nila mas
mahal nila yun. Ganun talaga, dun sila kung saan sila masaya. Ganun
din naman siguro ang gagawin natin kung tayo ang nasa... sitwasyon na
yon diba? Lahat tayo mararanasang AGAWIN, MANG-AGAW at MAAGAWAN
Pana-panahon lang yan.
32.Minsan kahit ikaw ang naka-schedule, kailangan mo pa rin maghintay,
kasi hindi ikaw ang priority
32.Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang
makakatulong sa'yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng
sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsensya ang Diyos, alam niyang
hindi sa lahat ng oras eh gumagana ang utak ng tao. Ang konsensya ay
bahagi ng ating kaisipan na humuhusga kung mabuti o masama ang kilos
na iyong gagawin o ginagawa.
33. Hindi naman kailangan ng maraming tao para bumuo ng mundo eh...
Minsan isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo
habambuhay
34.Ang isa sa PINAKAMASARAP NA FEELING sa mundo ay yung titingin ka pa
lang sa CRUSH mo... PERO SIYA NAKATINGIN NA!!
35.Ang PINAKAMASAKIT NA PAKIRAMDAM sa mundo ay yung nararamdaman mong
hindi ka na nya mahal pero hindi nya masabi sa'yo dahil wala ka namang
ginagawang masama...
36.Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo
para mahalin ka nya
37.ANG TANONG: Gaano ba kaimposibleng mahalin ang taong mahal mo na
nagmamahal ng iba?? ANG SAGOT: Para kang nag-aantay ng paparahing
Jeep... sa istasyon ng Tren
38.Parang elevator lang yan eh... bakit mo ipagsisiksikan ang sarili
mo kung wala nang pwesto para sa'yo. Eh meron namang hagdan, ayaw mo
lang pansinin
39.Pag may mahal ka at ayaw sa'yo, hayaan mo... malay mo sa mga
susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang
40. Alam mo ba ang pinagkaiba ng bulag at ng mga nakakakita? Hindi
alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag
41.Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao
rin na hindi mo mahal pero mahal ka, Kaya quits lang
42.May mga taong minsan lang daraan sa buhay natin, minsan makikilala,
makakasama, mamahalin, pahahalagahan at aalagaan, pero kadalasan pala
yung minsan na yun... habang-buhay na sa alaala natin.. minsan di
sapat na mahal mo ang isang tao, at alam mo na mahalaga ka para sa
kanya, kasi bago ang lahat.... dapat alam mo ang pinagkaiba ng MAHAL
sa MAHALAGA LANG!
43. Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag
natuto silang umibig eh hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?
44.Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga
lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon

0 comments:

Post a Comment