Sunday, October 13, 2013

Yummy Ka, Yucky Ako

credits: trafalgarlaw of pd


Yucky : Yummy ka, yucky ako.
Nang dumating ka sa buhay ko, si
inay ay hinimatay at si itay ay
nagpatagay.
Maraming nagtatanong.. "pre anung gayumang meron ka?" sabagay kahit ako di
makapaniwala sa nangyayari..
Kahit kailan di inaasahang ako'y
iyong mamahalin.

Yummy : Yucky ka, yummy ako.
Nang sa buhay ko'y ika'y
dumating si mommy ay na-
confine at si daddy naman ay
na-high blood, maraming
nagtataka kung anung nakain ko at bakit ikaw ang minahal ko.. Sa
panahon ngayon mahirap nang
maghanap ng totoong taong
magmamahal ng tapat at alam
kong ikaw iyon.

Yucky : Yummy ka, yucky ako.
Sa umagang paggising ikaw ang
unang nais makita, mga ngiti ni
inay at itay di mawari kung
masaya o nagagalak..

Yummy : Yucky ka, yummy ako.
Sa umagang paggising ikaw ang
unang gustong mahagkan laging
hanap ang iyong bisig
Salubong man ang kilay ni
mommy at daddy wala akong pakialam basta ang alam ko
mahal kita.

Yummy at Yucky : magkaiba man tayo ng estado ng
buhay at pisikal na anyo ngunit
puso't isipa'y iisa.. Iisa ang ninanais.
Iisa ang iniibig. Langit at lupa man daw ang
pagitan tayo ay pinag-isa ng
pagmamahal.

Yucky : kaya kayo mamatay kayo sa
inggit.

Yummy : Sorry pero mamatay kayo sa inis.

0 comments:

Post a Comment