wordpress.com
Credits: lostsoul
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan. Kapag dala
ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw
sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang
matanda. Nagse-self-pity ako a tuwing sisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo,
huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit nalang ang
sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga
ako.
Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo -
katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit
ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo
sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak
noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo,paulit- ulit mo 'yong
sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang
gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.
Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinatyagaan kitang habulin sa ilalim
ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, dala na marahil ito
ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.
Kapag may konti kang panahon, magkwentohan naman tayo, kahit sandali
lang. inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam
kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na
sabik na akong makakwentohan ka, kahit alam kong hindi ka interesado
sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan
kong pakinggan at
intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.
At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa
banig ng karamdaman, huwga mo sana akong pagsawaan alagaan.
Pagpasensyahan mo
na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtyagaan mo sana
akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na
naman ako magtatagal.
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang
aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang
kamatayan.
At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha,
ibubulong ko sa kanya na pagapalain ka sana … dahil naging mapagmahal
ka sa iyong ama't ina…
-Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan[/b]
may ginagawa ba ang mama mo? or papa mo? give him/her a hug na..
habang anjan pa sila uh..
( you'll regret the chances..
Tuesday, March 12, 2013
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment