Sunday, July 7, 2013

kwentong horror: 31st floor

Source: google+

31st Floor
Mark Angeles

"Call center butterfly" ang tawag nila sa tulad ko. Hindi kasi ako
mapirmi sa isang call center. Hindi ko na usually inaabot ang
regularization, lumilipat ako agad sa iba after a few weeks on the
floor. Ewan ko. Siguro that is how I was wired.
It works for me. Kung pwede nga lang magkulong sa kwarto at mag-DVD
marathon o mag-sound trip, 'yun ang gagawin ko maghapon.
But sometimes it bothers me. Hindi ko ito nababanggit sa iba. Pero
I'm a ghost magnet yata. Most of the time, graveyard shift ako so 'pag
lumabas ako ng house mga past 6 na. Madilim na dun sa nilalakaran ko
papunta sa sakayan ng jeep na magbababa ng EDSA. Maraming beses na
kasi nangyari na may makakasalubong akong naglalakad-weird-nakatitig
sa akin na para bang nanlilisik ang mga mata. Tas 'pag pinilit kong
i-spot ang nilalakaran nila, nakalutang ang mga paa nila sa lupa.
Alam ata nila na nakikita ko sila. May mga kaluluwang gumagala na
ayaw talaga magpaabala. Nagagalit sila 'pag sinusundan sila ng tingin.
Naalala ko minsan nung bata pa ako, naglalaro ako sa bangketa tas may
dumaang karo ng patay. Dun sa mga kapamilyang nakabuntot sa karo, may
nakita akong maputlang lalaki na nakapamburol, nakatitig sa akin.
Hindi na naalis 'yun sa isip ko.
Dun sa isang call center na pinasukan ko, sabi nila may bata raw na
naglalro sa mga training rooms sa 25th floor. Madalas himahampas niya
'yung mga swivel chairs.
'Yung CR nga sa dulo wala nang gumagamit dahil madalas siya rung
magparamdam. Akala mo may laman ang isang cubicle dahil may maririnig
kang mga kaluskos, wala naman pala. Minsan nga nag-CR ako dun mag-isa.
Habang naghuhugas ako ng kamay, biglang kumindat 'yung mga ilaw. Tas
sa gilid ng mga mata ko, para bang may nakita akong payat na naka-blue
uniform sa tapat ng ihian, nakalutang ang mga paa niya mga 2 feet mula
sa sahig. Baka iyon 'yung multo ng namatay sa elevator. May isang
utility man daw kasing nagkukumpuni ng sirang elevator tas nag-short
yata 'yung mga kable. Ayun, nabagsakan siya ng elevator mismo. Patay
agad.
Isang madaling-araw, nang mag-round yung guwardiya, binuksan niya
'yung Training Room 3. May nakita raw siyang tao na nakaharap sa
computer. Akala niya agent. Pagsasabihan niya sana kasi bawal mag-stay
sa training room kahit before mag-start ang class kaso nakatalikod sa
kanya so tinawag niya. Hindi ito sumagot. Pagbukas niya ng ilaw, wala
siyang nakitang tao.
Sa Workforce naman namin, may isang area na sobrang lamig kahit
nakapatay ang aircon. Isang araw, nung kinakausap ko 'yung ka-batch ko
dun bigla na lang tumilapon 'yung Avaya, 'yung phone na ginagamit
namin sa calls. Nagtaka sila. Minsan kasi bigla na lang umikot 'yung
isang upuan ng 360 degrees. Sa takot nila, nagtakbuhan daw sila lahat.
"Baka poltergeist 'yung multo, " sabi ng ka-batch ko. Hindi ko na lang
binanggit na nakita ko 'yung reflection ng bata sa salamin ng window.
Tumakbo siya at nagtago sa ilalim ng isang computer station na parang
naglalaro.
Parang nasasanay na ako sa dami ng mga manifestations. At least,
hindi pa ako nakakakita ng mga multo na sabog ang bungo o putol ang
kamay, 'yung tipong naaksidente.
Hanggang sa mag-work ako sa isang kompanya sa Ortigas. Sabado kaya
konti lang ang agents na may work saka rest day ng mga nag-oopisina.
Mga 8 p.m. 'yun kaya si manong na lang ang inabutan ko. Sa 36th floor
ang mga work stations namin. Bago ko i-swipe ang ID ko bigla akong
kinilabutan. Sabi ko, baka malamig lang kasi malakas ang ulan sa
labas. Nag-good evening si manong-"Pauwi na?" usisa niya-saka binusisi
ang bag ko. Tapos kinuha ko 'yung payong ko dun sa lagayan sa tabi ng
door.
Hanggang sa tapat ng elevator sa 36th floor ay parang aburido ako.
Pinindot ko 'yung "down" button. Binilang ko sa isip 'yung changing
numbers sa itaas. Nag-ding ang elevator at bumukas ang pinto. Walang
tao. Nakita ko 'yung reflection ko sa salamin. Nilingon ko si manong
tas nag-wave siya sa akin. Pumasok ako sa elevator at pinindot yung
"G" para bumaba sa ground floor.
Kulob 'yung katahimikan. Binibilang ko ulit sa isip ko 'yung numbers.
Nang biglang huminto 'yung elevator. Nag-stop sa 31st floor. Bumukas
'yung door. Walang tao. Nung magsasara na 'yung door biglang may
lumapit na matandang babae, may kasunod na bata. Pinindot ko 'yung
button para bumukas ulit ang pintuan. "Salamat," sabi niya. Nakahawak
sa braso niya 'yung bata.
Nakatingin sa akin 'yung bata. Nakakapote siya, yung transparent.
Pero basang-basa yung buhok niya. Basa pati 'yung gilid ng mga mata
niya. Sumugod ito sa ulan, sabi ko sa sarili ko. Ito namang nanay,
kako, hindi pinayungan ang anak niya. Ang lakas pa naman ng ulan sa
labas.
Hindi ko gaanong napansin 'yung mukha nung nanay. Medyo stocky ang
katawan niya. Naka-t-shirt lang siya at maong. Parang ahente ng mga
cosmetic products, 'yung tipong mag-oorder ka gamit ang brochures
nila. May dala siyang malaking shoulder bag. Ang naaalala ko'yung
kuwintas niya na may parang jade na pendant, 'yung nabibili sa mga
Muslim sa Greenhills.
Dinukot ko ang cellphone ko. Isinaksak ko ang earphones sa mga tenga
ko. In-open ko 'yung playlist at ini-scroll down ko sa "On The Radio"
ni Regina Spektor. Clinick ko 'yung play. Sa itaas ng pintuan ng
elevator, pababa nang pababa 'yung mga numbers: 28, 27, 26, 25 ...
Biglang bumukas ang pintuan sa 23rd floor. Nagulat ako. Nagkatinginan
kami ng babae. Hinintay naming may pumasok. As usual, walang tao.
Nakakayamot. Nung magsasara na 'yung elevator, nagbubukas siya ulit.
Ganun siya mga dalawang beses ata. Parang nagha-hang nang half-open.
Pinindot ko 'yung "close" button.
Pagkababa namin sa ground floor, nauna akong lumabas ng elevator.
Sumunod sa akin 'yung ale. Tsinek ng guard ang bag ko. Gumilid ako
para isara ang zipper ng bag ko. 'Yung bag naman ng babae ang tsinek
ng guwardiya.
"Asan po 'yung anak n'yo?" tanong ko sa babae.
"Ha? Anong anak?" pagtataka niya.
"Kanina may kasunod po kayong bata e. Nakakapote."
"Mag-isa lang akong bumaba," sagot niya.
Nagbiro 'yung guard. Baka 'yung batang multo raw ang sumabay sa amin
sa elevator. "Manong naman!" ang takot ng ale. Natahimik na lang ako.

0 comments:

Post a Comment