Wednesday, February 27, 2013

Infatuation, Inlove, Immaturity

• Infatuation. Parang other
term for crush, puppy love or
panandaliang attraction.
Minsan, lahat tayo akala natin
love na, pero Infatuation lang
pala. Gusto mo lang ang isang tao
kasi may isang bagay lang na
interesting sa kanya.
Madalas to sa mga taong first
time mo nakilala o nakita.
Pero minsan, eto ang isa sa mga pagkakamali ng mga
couple na kaka-start lang.
K...asi, you keep on thinking
yung bagay na interesting sa
kanya, that's why you like
him/her. Lahat naman tayo may limits.
Masama ang sobra-sobra.
Nakakaumay ang araw-araw.
In short, parang nauumay
kana sa isang bagay na lagi
mong kasama araw-araw. Parang nag-ulam ka ng
hotdog sa isang linggo,
maaumay at mauumay kana
at syempre mag-hahanap kana
ng iba. Yun ang infatuation.
Parang posporo na nauubos rin ang pulbura. • Inlove. Masaya ma-inlove
sabi nila. Pero masakit rin sa
huli.
Well, masasabi mo lang na
inlove ka kung masaya ka lagi
kasama siya kahit araw-araw pa.
Inshort, hindi nakakaumay na
siomai. Haha. Pero minsan,
masasabi mo lang na INLOVE
ka pag wala na siya.
Yung sure ka na may feelings pa kahit tapos na.
Yung naaalala mo pa rin siya
kahit may sumunod nang iba
sa kanya.
Naka-move on ka, pero
kumakabog ang dibdib mo pag nakikita mo siyang may
kasama nang iba.
Pero ang love minsan, may
halong sakripisyo para
sumaya kayong pareho.
Pwedeng hold on pa, pwede rin na magpalaya na.
Sabi nga nila, kung mahal mo
siya, palayain mo na.
Well, andaming pwedeng
explanations para sa mga
inlove/love. Mararamdaman mo lang yung
fireworks sa dibdib mo pag
LOVE na. • Immaturity. Eto yung
madalas sa nasosobrahan sa
expectations.
Minsan, nagmama-ala fairy
tales, koreanovela, etc .. ang
isip. Eto yung mga taong OA na
kung mag-isip. Minsan, anak
kaagad, asawa kaagad.
Pero pwede rin hindi pa. Haha.
Eto kasi yung tipo na i-lilike
mo yung lahat sa kanya. Parang sa facebook, lahat ng
ipopost nya sa fb nya, ililike
mo rin.
Tapos, mag-popost sa wall nya
ng mga cheesy lines, or
pictures na may love. Eto rin minsan yung halos
araw-araw mo siya gusto
itext.
Yung oras-oras mo siya gusto
makita, segu-segundo na
phone calls. Minsan, nagagalit sa mababaw
na bagay, minsan iniiyakan pa
kahit super babaw lang.
Yung minsan, OA na. Pag
iniisip mo na umiiyak ka,
gusto mo i-comfort ka nya. Pag sinabi mong na-mimiss
mo siya, gusto mo may reply
kaagad na miss you too.
In short, di mo binibigyan ng
time yung partner mo para
ma-miss ka. Di naman kasi lahat ng I LOVE
YOU mo, kailangan may I LOVE
YOU TOO kaagad.
Di porket, hindi siya nagreply,
iisipin mo kaagad na hindi
kana nya mahal. Inshort ulit, madali kang
MAG-ALANGAN sa mga bagay
na mababaw. Antaas kasi ng
expectations mo. nakakatama

0 comments:

Post a Comment