Wednesday, February 27, 2013

paPeysbuk nga!

Linya ng
estudyante na uubusin ang
baon para makapagrent sa isang
internet
shop. Linya ng isang
empleyado
pagkadating niya sa opisina at
naabutang ginagamit ng katrabaho ang office
computer. Linya ng
kapitbahay na gustong maki
gamit
ng internet sa kadahilanang
hindi siya nakapagbayad ng bill. At
kung
sino man ang sinasabihan nila,
malamang ang isasagot nito
ay.. "teka, log out ko lang..".
Nagpe- facebook din pala. Facebook.
Ang social networking
site na lumamon sa myspace at
friendster. Ito rin ang pilit
kinakaibigan ng ilan pang
aspiring forms of social media. Pansinin
mo,
yung mga bagong
kumakaribal sa Facebook e
may feature kung saan
magrereflect din sa FB account mo
ang kung ano mang post mo,
gamit
ang site nila. Gaya nalang ng
twitter, tumblr at kung ano
ano pa. Parang pelikula. Pag pinalabas
ito sa sinehan sa guadamall
(ang
mabagsik na mall sa
guadalupe),
ipapalabas din ito sa sinehan ng
MOA. Nagkakaiba nga lang sa
level
ng urine aroma at dami ng
surot sa
upuan. Sa sobrang popularidad nito ay
pwede na itong iconsider na
necessity. Iba na ngayon.
Humans
need food, water and
facebook. Clothing? Ano ngayon kung
nakahubad. At least.
nakaporma ka naman sa bago
mong profile picture.
Pwede na ngang iconsider ang
kasalukuyan bilang "The Facebook
Era". Ang panahon kung saan
tangap na ang mga bading at
tomboy (kaya ikaw, wag na
magpanggap, ok na daw, di
mo na kelangan mag gym kuno),
kung
saan mas mahal nang mga tao
ang
aso kesa sa kapwa nila tao
(inday!! ibigay mo ung ulam mo kay
brownie, mag skyflakes ka
nalang!!!), kung saan lahat ay
tumatakbo sa mga marathon,
kung
saan lahat ay may necklace na ang
pendant ay isang mamahaling
camera, kung saan papalitan
na ng
cobra at sting ang dumadaloy
sa mga tubo ng NAWASA, kung saan
lahat ng statement ay dapat
magtapos sa isang uri ng
emoticon
(uy, tang ina mo, joke. (",) ).
Lahat ito ay bahagi na ng social
norm.
Lahat tangap na. Pero huwag.
Uulitin ko. HUWAG NA HUWAG
mong
sasabihin, lalo na sa isang pampublikong lugar na. "Ay,
wala
akong Facebook eh..". Patay ka
dyan brad. Kiss of death yun.
Baka
bigla kang paskilan ng papel sa noo mo na may nakasulat na
EEEWWWW!!!. Baka biglang
magkaroon ng caste system sa
pinas at lahat ng walang FB
account
ay mga untouchables. Pwede ring i-
ekskomunikado ka ng
simbahan katoliko at
ipapakalat ito sa mga
tweet ng arsobispo. Kung
stalker ka, di na kelangan ng paliwanag kung bakit adik na
adik
ka sa FB. Pero para sa masa.
Ano
bang meron dito? Bukod sa
green joke na ibinulong sayo nung tropa mong adik,
pwede
ka ding magshare ng pictures
(aka
pix),videos, notes at mga links
mula sa iba pang sites. Makikita ito
ng
mga "friends" mo at pwede
silang magkomento dito.
Walang limit ang
pagpo post. May sense man o wala.
Healthy nga daw ito sabi nung
mga
sociologist. Exercising our
rights to
free speech daw ito. Pero lahat ba e
post-worthy? O karamihan ay
nagdadala lang ng badtrip.
Freedom of speech pala ha. Ito
ang
post ko tungkol sa mga post ng iba.
Guilty tayo dito. 1. Iwasan ang
pabigla – biglang
pagpapalit ng relationship
status.
Lalo na kung mababaw lang ang
dahilan tulad ng late reply sa
text o
hindi pag iloveyou sayo ang
jowa
mo kaninang alas tres (sarili nyong 3 o'clock habit). Dahil
pag nagka-
ayos kayo, at ibinalik mo sa
dati
ang status mo, ikaw din ang
magmumukhang praning. 2. Walang masama kung purong
tagalog ang shout out mo.
Wag
matakot na sabihan nang "uy
makata". Kesa naman panay
nga ang english, sablay naman ang
grammar at hindi kakikitaan
ng sense ang sinabi. (iba ang
you're sa
your). 3. Check in. Ang post
kung saan sinasabi ang kasalukuyan
mong
lokasyon. Positibo. Pwedeng
maging safety precaution. At
least
alam nila kung saan ka huling pumunta sakaling di ka
mahagilap ng ilang araw.
Negatibo. Easy prey
ka sa mga serial killers o sa
kaibigan na may galit sayo.
(Ingat ka silvestre. hehehe) 4. May
"about you" page ang FB.
Dun mo isusulat ang mga hilig
mo. Di
mo na kelangan pang magpost
ng magpost ng mga youtube
videos
nila Ozzy Osbourne, Metallica o
Korn para ipagdiinan na
rakista ka. Ikaw din, baka
mahirapan kang panindigan. Lalo na pag
tumugtog
na ang paborito mong kanta ni
Katy
Perry. Napaindak at sing along
si kumag. 5. Hindi kelangan
magpost ng mga
litrato o video nang
iniembalsamo o
bangkay na durog durog ang
katawan at labas ang mga laman
loob. Palit kaya kayo nung
andun
sa picture. Ako naman ang
magpopost. 6. Magtira ng
konting privacy para sa sarili. Hindi lahat ng bagay
ay
dapat ishare. Lalo na sa social
media. Sarilinin mo nalang ang
gusot sa pamilya o away mag
asawa. Pribado na yon. Post ka ng post, tapos mababadtrip ka
kung
gagawing pulutan sa inuman
ang
kwento ng buhay mo. 7. Ok
lang ipost ang mga bago mong
gamit. Gaya ng mga gadget,
damit o
accessories. Natural lang
maging
proud ka lalo na kung pinaghirapan
mo o importanteng tao ang
nagbigay sayo nito. Di lang
siguro tama na sabihing "hay
nakakapagod na
magshopping, andami ko kasi pinamili". 8.
Kung sakaling may nagpost ng
malungkot o kaya'y tungkol
sa
isang masamang pangyayari
sa kanila, wag mong i-like. Ano
yun?
Nagustuhan mo pa na
sumemplang
siya sa kanal. 9. Wag mong i-
like ang sarili mong post. Kaya nga pinost mo in
the first
place. Mas malala kung ikaw
din
ang magcocomment. Parang
loner ka naman nun. 10. Wag kang
basta basta magpost
ng nakakagagong comment,
lalo na
sa mga picture kung saan may
mga taong di mo kilala. Halimbawa:
"Pre, sino yang kasama mo sa
pic? si
Bella Flores?". Huli mo na
nalaman. Girlfriend pala niya
yun. 11. Kung sakaling may nagpost ng
matino at informative na
mensahe.
Magpasalamat. Huwag mag
angas
sabay comment nang "ay luma na
yan, huli kana sa balita" o kaya
"wala, kalokohan lang yan".
Wag kang magmagaling.
Matalino kaba
na parang si Rizal? E di pabaril ka sa
Luneta. 12. Wag gamitin ang
FB para
magpakalat ng maling
impormasyon
at maghatid ng mass hysteria. Pero
kung sino man ang napost na
aabot
dito ang radiation sa japan.
Nagpapasalamat sayo ang
manufacturer ng Betadine. 13. Wag sumali at i-like ang isang
fan page kung puro
kagaguhan lang
ang ipopost mo sa wall nito.
Halimbawa, nagpamember ka
sa page ng isang seksing artista
tapos
mag cocomment ka lang ng
"uy, sarap mo naman, parang
mainit na
lugaw sa malamig sa madaling araw". Tapos magtataka,
"hala..
bakit ako na banned?". 14.
Hindi lang ikaw ang may
gustong manood ng sine. Wag
kang mag post ng mga spoilers na
maaaring ikabadtrip ng iba.
"just
watched Nardong Putik: Ang
Pagbabalik Ni Totoy Burak,
ganda ng ending, napatay nya ung kontra
bida sa pamamagitan ng
pagpukpok
sa ulo ng isang palayok, pero
sad
dahil huli na nang malaman nya na
tatay niya pala yun..". 15. Di
naman ata kelangan simulan
ang post mo sa salitang
"Damn!!" o
kaya "Oh gosh" lalo na kung di naman malubha o kagulat
gulat ang
pangyayari. Halimbawa: "oh
gosh,
umuulan". Taga saudi??? 16.
Wag matawa at kantyawan kung corny o masyadong
romantiko
ang isang post. Tandaan mo,
magmamahal ka din. Lintik
lang ang
walang ganti. Dami kong kilalang
ganyan. 17. Ok lang siguro
ipost kung ano at
kung saan ka kumakain.
Iwasan
lang yung pagpopost ng close up
pictures nung pagkain mismo.
Marami ang nagpapalipas ng
gutom
sa pamamagitan ng Facebook.
Sino ka para inggitin sila. Parang yung
feeling na, asa air-con bus ka,
pauwi sa bahay at gutom
tapos may
kumag na kakain ng burger at
fries. Langhap mo ang bawat kagat
niya.
Di maka tao. Dapat palitan ang
pangalan niya. Gawing Lucifer.
18. Ok lang siguro ang mag
post sa paraang Jejemon. Trip mo yun
e.
Wag mo nga lang asahan na
seseryosohin ka kahit matino
ang
gusto mong sabihin. Expect mo rin
na lahat ng comment sayo e
magtatapos sa "jejejeje". 19.
Wag magimbita sa isang
okasyon gamit ang shout out
mo, tapos may ita-tag ka lang na
piling
tao. Bangag kaba? Makikita ng
lahat ng "friends" mo na iilan
lang
ang gusto mo papuntahin sa nasabing okasyon. 20. Pwede
ba?? HINDI PORKET ALL
CAPS E GALIT ANG NAGPOST.
BAKA
LUMUBOG AT NASTUCK LANG
ANG CAPS LOCK. 21. Sapat naman na
siguro ang
tatlong exclamation point para
ipaalam sa bumabasa na puno
ng
emosyon ang post mo. Di mo kelangan punuin ng
punctuations
porket walang bayad ang
extra characters tulad ng sa
text
messaging. Halimbawa. Pakyu ka!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!. Mali yun.
Dapat. Pakyu ka!!! 22. Iwasang
magpost kung ikaw ay
(a) lasing, (b) nasa
impluwensya ng
ipinagbabawal na gamot o (c) hindi
tinirahan ng ulam. Walang
gustong
makabasa ng pag aamok mo
na
puno ng mali maling spelling. Kung sakaling nakakaramdam
ng "FB
rage", magpahid ng menthol
toothpaste sa mga palad, at
itampal
tampal sa mukha mo hanggang sa
kumalma. 23. Oo, dapat sulitin
ang unlimited
surfing na maghapon mong
binantayan para lang
maregister. Pero di ibig sabihin nun na
post lang
ng post. Halimbawa, ang
ilalagay
mo sa shout out mo e tatlong
magkakasunond na tuldok. Ano
yun? Buti pa quote nalang.
Time is
gold. 24. Wag trigger happy sa
"share"
button. Hindi porket di nagappear
sa profile page ang mabangis
mong
status message e kelangan
mong
tiktikin ang pagpindot. Antayin mo
lang. Mamaya ilang beses na
pala napost. Paulit ulit. Wag
kang atat.
Lalo na kung ang ipopost mo e
"Patience is a virtue". 25. Wag mong kakumpetensyahin
ang youtube sa dami ng video
na
nakapost sa wall mo. OK lang
siguro
kung ishare mo ang isang nakakatawang clip kung saan
may
nag susurfing na pusa o kaya
naman e makabuluhang
excerpt ng isang
documentary. Wag naman yung
lahat ng mtv ng kantang
marinig mo
sa jeep o lahat ng episode ng
wow
mali. 26. Wag ipahamak ang sarili. Kung
sakaling pwede naman palang
acronym ang isang term e
wag mo
na itong buuhin sa iyong post.
Loud out loud!!!!. 27. Hindi
masamang makisali sa
mga occasional drives o
campaigns.
Tulad ng paggamit ng picture
ng nanay mo pag mother's day o
pag
post ng mensahe tungkol sa
cancer
bilang status message mo.
Hindi porket di ka nakisali e cool o mas
sophisticated ka. 28. Kung may
nagcomment o
nagpost sa wall mo na di mo
kilala
ang pangalan pati na ang picture. I-
open saglit ang profile. Wag
mo
agad replyan ng makamandag
na
"HU U?". Malay mo, tropa mo pala yun. Binaliktad lang ang
pangalan.
O kaya naman e dinagdagan
ng H.
Mhayhumhi Pharhedez. 29.
Kung magcocomment ka, halimbawa sa isang picture,
iwasang gumamit ng
paghahalintulad sa ibang tao
lalo
na kung kagaguhan lang ang
sasabihin mo. Halimbawa, "baduy ng porma mo pre,
parang bisaya
lang" o kaya "mukha kang
magsasaka". Tandaan, di ka
lamang
o nakahihigit sa mga bisaya at magsasaka. Ikaw kaya,
magpost ka
ng video tungkol sa mga
unggoy, tapos may
magcomment,
"ambobobo naman nila, parang
ikaw". 30. Wag kang
magatubiling bumati
sa mga post tungkol sa
panganganak ng isang ina,
pagpapakasal ng magsing irog o
pagkatangap sa trabaho. Sa
magulong mundo, hindi ba't
masarap ishare ang mga
positibong
pangyayari. Code of ethics. Wala. Oo. Walang
basagan ng trip. Pero hindi ba
mas maganda kung
ginagamit mo to sa matinong
paraan? Pa-Peysbuk nga!!!
by: Shamcey Supsup

0 comments:

Post a Comment