Wednesday, February 27, 2013

kwentong HORROR: ANG LIHAM

credits: sau owner

Ang Liham


This is the story of my twin classmates in Cavite State University.
They are Martha and Maria. Martha gave me the permission and
opportunity to put their story into texts. This story was made in
honor of my late classmate, Maria. What you are about to read was told
in Martha's point of view.

"Ano ka ba, pag ang letter "V" ay nasa pagitan ng mga consonant ito ay
binabasang letter "U" at pag ito naman ay nasa pagitang ng ng mga
vowels o kaya naman ay sinusundan ng mga vowels, ito binabasang letter
"V" - Maria

MORITVM TE SALVTAMVS EST DEXTRVMI CVRITE AVE VERSVS CRISTVS VERVM DE TREVI

VERMI EST REFLEXVM ARVM DRI TRIPVM DEXTRVMI LENTENVM AVE SATANI

Eto lamang ang huling ala-ala ng kakambal kong si Maria bago siya namatay

September 12, 2002 Tandang-tanda ko ang araw na ito. Ito ang sumunod
na araw matapos bombahin ng mga terorista ang twin tower sa US noong
nakaraang taon ng 2001. Ito rin ang araw kung saan ko huling nakasama
pauwi ng bahay ang kakambal kong si Maria.

Mga bandang alas-kwatro y medja na ng hapon. Nakasakay kami ng kambal
kong si Maria ng bus pauwing Cavite City ng may nakita siyang isang
lumang wallet ng lalaki sa lapag ng inuupuan naming bus. Medyo luma na
ang wallet na ito; kulay itim at medyo laspag na. May isang litrato sa
loob. Tama kami ng hinala, lalake nga ang may may-ari ng wallet. Medyo
may kalumaan na ang litrato. Malutong na ang papel at black and white
or should I say brown and white pa ang kulay ng litrato. Bukod sa
litrato ay mayroon ding mga nakaipit na tarheta (calling card) , papel
na may sulat, reseta ng doktor, mga tickets sa bus at P78.

Wala naman talaga akong habol sa wallet maliban sa P78. Gusto ko sana
ay paghatian naming magkapatid yung pera, pambili kahit man lamang ng
burger. Ngunit iba si Maria. Sa aming magkapatid masasabi ko talagang
mabait siya ng higit kaysa sa akin. Gusto niyang isauli namin ang
wallet sa mayari dahil baka mahalaga raw ito sa kanya dahil nga may
resetang nakaipit sa loob. Noong mga oras na iyon gusto niyang ibigay
na lamang sa driver ng bus ang wallet. Kaya naman agad-agad akong
nag-isip ng paraan upang huwag na niyang magawa ang binabalak niyang
pagsaoli ng wallet sa driver.

"Para!"

Kahit mga dalawang kanto pa ang layo ng bababaan namin ni Maria ay
pinahinto ko na ang bus. Dahil sa hindi pa handa sa pagbaba ay
nataranta si Maria dali-daling inayos ang mga bitbit niyang gamit at
bumunot ng pamasahe namin sabay bayad sa driver.

"Eto pong bayad, dalawa galing Tanza."

Matapos magbayad at masuklian ay bumaba na rin siya.

"Ano ka ba Martha, dalawang kanto pa ang layo ng bahay natin dito sa
pinagparahan mo"

Biglang bumalik sa akin ang sisi. Medyo may kalayuan nga talaga ang
pinagparahan ko ng bus. Medyo naiinis na natatawa sa akin si Maria,
galing kasi kami sa dorm noon at marami kaming dalang maruruming damit
kaya naman may kahirapan nga talaga ang maglakad ng malayo.

"Tricycle!"

Lumapit ang tricycle. Una akong sumakay at sumunod naman si Maria.

"Sa Novero po"

"Ano ka ba Martha, kulang na ang pera natin pangtricycle"

"Diba may napulot kang wallet?, Ehdi yung pera muna dun ang gamitin
nating pambayad sa tricycle. Palitan nalang natin paghumingi tayo ng
pera kina mama."

. . . . . . . .

"Dyan lang po sa may gate na blue."

Binayaran rin ni Maria ang driver ng tricycle gamit ang pera mula sa
napulot niyang wallet.

"Ma, Pa, nandito na po kami!"

Walang sumasagot. Walang tao sa bahay. Dumeretso ako sa kusina. Si
Maria naman ay dumeretso sa kwarto namin.

May sulat na iniwan si mama sa mesa sa kusina. Wala pala sina mama at
papa, nagpunta sa Laguna para asikasuhin ang titulo ng lupa namin
doon. Medyo nagkakagulo na rin kasi ang mga pamilya ni mama doon sa
Laguna tungkol sa lupa namin nuong mga panahong iyon.

Pumasok ako sa kwarto namin ni Maria. Nakita ko siyang nakadapa sa
kama niya at tinitingnan kung ano ang mga laman ng wallet na napulot
niya kanina.

"Maria nasa Laguna raw sina mama at papa para ayusin ang titulo ng
lupa natin doon"

"Martha, halika rito, tingnan mo itong sulat na nakaipit sa wallet."

"Ano yan?"

"Ewan ko, baka anting-anting"

"Latin yata yan eh."

"Ewan"

Sinubukan kong basahin ang sulat ngunit talagang mahirap bigkasin.
Biglang inagaw sa akin ni Maria ang sulat.

"Ano ka ba, pag ang letter "V" ay nasa pagitan ng mga consonant ito ay
binabasang letter "U" at pag ito naman ay nasa pagitang ng ng mga
vowels o kaya naman ay sinusundan ng mga vowels, ito binabasang letter
"V"

"Asus! At saan mo naman natutunang magbasa ng Latin?"

"Basta alam ko yan"

"Sige nga."

"MORITUM TE SALUTAMUS, EST DEXTRUMI CURITE, AVE VERSUS CRISTUS, VERUM
DE TREVI, VERMI EST REFLEXUM, ARUM DRI TRIPUM, DEXTRUMI LENTENUM, AVE
SATANI"

"Ang galing ah parang totoo, bahala ka nga sa buhay mo, kakain na ako"

"Martha anong miryenda?"

"Miryendahin mo'ng mukha mo!"

Pumunta ako ng kusina, binuksan ang refrigerator at naghanap ng
maaaring kainin. Samantalang, si Maria naman ay hindi na lumabas ng
kwarto namin. Mga bandang ala-sais kwarenta y sinco na nang bumalik
ako sa kwarto namin.

"O, akala ko ba magmimiryenda ka?"

"Ayoko na. Bigla kasi akong nahilo pagtayo ko kanina kaya hindi nalang
ako lumabas."

"Nagugutom ka ba?"

"Hindi na, nalipasan na yata ako ng gutom"

Pagkasabing-pagkasabi ni Maria noon ay bigla siyang napaduwal. Kaya
dali-dali siyang nagtungo sa banyo namin sa kwarto at sumuka sa
lababo.

Makalipas ang ilang minuto

"Mmm...arthaaa! Mmmarthaaa!"

Nanginginig na sigaw ni Maria. Parang may halong takot ang
pagkakasigaw niya noon sa pangalan ko. Nataranta ako sa ginawang
pagsigaw ni Maria. Napabalikwas ako sa pagkakaupo at napatakbo
papuntang banyo.

Nakita ko siyang nakatungkod ang isang kamay sa lababo at ang isa ay
hawak-hawak ang kanyang dibdib habang patuloy na nakatingin at umiiyak
sa harap ng salamin.

"Baket?" "Anong nangyari?" "Maria napa-ano ka?"

Sunud-sunod kong tanong kay Maria.

Hindi ko alam ang nangyari kay Maria sa loob ng banyo hanggang sa
bigla na lamang akong natakot at kinabahan sa sumunod na nangyari

Unti-unting napaluhod at umiyak si Maria. Patuloy ang kanyang
panginginig. Mula sa paimpit na iyak ay unti-unti itong nagkatinig.
Tinig ng hagulgol. Nakakaawa. Nakakakaba. Nakakatakot.

Matibay si Maria. Matapang. Ngunit bumilis ang kaba ng dibdib ko ng
makita ko ang nangyari sa kanya sa loob ng banyo. Alam kong may
masamang nangyari sa kanya. Hindi basta-basta magkakaganito si Maria
ng walang mabigat na dahilan.

Kinabukasan

"Kringkring!"

Nag-ring ang telepono. Si mama, medyo matatagalan daw sila bago
makauwi ng bahay dahil may aberya pa rin daw sa lupa. Kailangan daw
maayos iyon bago umuwi sina lola (ang nanay ni mama) na nasa US sa 24
(ibig niyang sabihin, September 24, 2002).

Ok na si Maria. Parang walang masamang nangyari kahapon. Mga ilang
ulit ko na ring pinagtangkaang tanungin siya tungkol sa kung ano ba
talaga ang nangyari sa kanya sa banyo, ngunit palagi niya itong
iniiwasan. Minsan pa nga, palihis ang mga pagsagot niya sa aking mga
tanong upang maiba ang usapan.

Dumaan ang Sabado, Linggo at sa wakas Lunes na naman. Pasukan na
naman. Biglang nilagnat si Maria. Medyo nahihilo raw siya. Ako na
lamang daw ang pumasok at ipagpaalam ko raw siya sa aming mga
instructors.

"Sabihin mo sa kanila baka bukas nalang ako pumasok, masama pa kasi
ang pakiramdam ko."

Martes, September 17, 2002, 7:12 ng umaga.

"Too-toot, too-toot!"

One message received. Si Maria.

"Nwa2la *** ID me. Ndi u b ndla?"

"Nope. Ala skin *** ID u. Bka nsa bag ng mrumi mong dmit. Ppsok n b u?"

Walang na akong narecived na text mula kay Maria nung araw na yun.
Hanggang mga bandang alas sais ng gabi, ako na ang nagtext kay Maria.

"Oi, *** hapend 2 u? Msma p b pkiramdam u? Kla me ppsok n u knina?

Wala pa ring reply.

Siguro wala nang load si Maria.

Dumaan ang Miyerkules at Huwebes. Uwian na naman. Apat na araw lang
ang pasok namin nuon. Inimpake ko na ang mga marurumi kong damit at
umuwi na sa Cavite City.

Pagdating ko sa bahay

"Maria!"

"Maria!"

Walang sumasagot. Binukasan ko ang pinto. Ang baho ng bahay. Amoy
bulok na laman. "Ang baho!"

"Maria.Maria!"

Lumabas si Maria ng banyo. Katatapos lang magsipilyo ng ngipin.

"Maria ano yung mabaho. Amoy patay na daga."

"Dyan yun sa kapitbahay. Namatay kasi yung aso nila. Nasagasaan. At
matapos masagasaan ay nagawa pang makabalik ng kulungan at duon na
namatay."

"Eh bakit hindi inilibing?"

"Wala ang may ari. Hindi pa umuuwi ilang araw na. Hindi rin naman
mailibing ng ibang kapit-bahay dahil naka-lock ang gate.

"O, naka-lock pala ang gate, bakit nakalabas pa rin yung aso?"

"Malay ko."

"Naku isara mo nga yang bintana para hindi pumasok dito ang amoy. Nakakasuka."

Isinara nga ni Maria ang bintana. Maya-maya pa ay naghapunan na ako.
Ayaw sumabay ni Maria sa akin dahil nawalan daw siya ng gana. Isa pa
nagsipilyo na raw siya ng ngipin. Kaya mag-isa nalang akong kumain.

Nang matutulog na ako ay tumabi nalang ako kay Maria. Double-deck kasi
ang kama namin. Ako sa itaas at si Maria ang sa ibaba. Ayoko sa itaas.
Tapat na tapat sa bintana ang mukha ko. Tiyak na langhap na langhap ko
ang amoy ng namatay na aso sa kabila.

Nang nahiga ako, amoy parin ang baho ng patay na aso. Dumikit na yata
sa kama namin ang amoy kaya nag spray ako ng air freshener.

"Bat hindi ko naisip yan?"

"Oo nga, ilang araw ka nang nagtitiis ng amoy dito, hindi mo man
lamang naisipang mag-spray ng air freshener."

Kinabukasan

Unang nagising sa akin si Maria. Paglabas ko ng bahay nakita ko siyang
nanunuod ng T.V. Alas diyes na pala.

"Martha kumain ka na. Nandyan yung tinapay sa mesa. Yung palaman
natatakpan ng plato."

Normal ang araw na iyon at ang mga sumunod na araw.

Linggo ng hapon, inaayos ko na ang mga damit ko na dadalhin ko
papuntang dorm. Balak kong umuwi na sa dorm at duon na lamang matulog
kahit ala-una pa ng Lunes ang pasok namin ni Maria.

'Ikaw hindi ka ba sasama?"

"Hindi na. Hindi pa ako naglalaba ng mga gamit ko nuong nakaraan.
Marurumi pa ang uniform ko. Mamaya pa ako maglalaba."

"O sya paano? Uwi na ako sa dorm?"

"Sige."

Lunes, magtatanghali na. Hindi pa rin bumabalik ng dorm si Maria.
Sinubukan ko mag missed call.

"Sorry, your balance is not enough to make this call. Please reload
your phone immediately."

Wala na akong load pang missed call. Kaya itinext ko nalamang si Maria.

"Oi, nsan n u?"

"Nsa bhay p me. Hndi me nkapaglaba ng dmit khapon dhil ala ng tubig.
***** plang me ngla2ba."

Natapos ang araw. Medyo nakakapagod. Ang lalayo kasi ng mga building
namin. Pagdating sa dorm,nagpahing na ako. Mahaba ang tulog ko noong
araw na iyon. Marahil nga ay dahil sa pagod.

Miyerkoles, September 25, 2002, 9: 23 A.M.

Ngayon ang araw ng paguwi nila lola mula sa U.S. siguradong may
pasalubong kaming stateside. Eto rin ang araw na nagpagimbal sa akin.

Alas nueve beintetres ng umaga. Nagising ako sa isang text. Isang
number ang nagregister sa cellphone ko nang binuksan ko, si Mama pala.

"ANG KPATID M PTAY N. UMUWI K AGAD. û MAMA"

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi
nararamdaman ng katawan ko. Hindi ako umiiyak ngunit nakatulala.
Naligo ako. Nagayos ng sarili. Nagayos ng gamit at umuwi na. Hindi man
lamang sumagi sa isip ko kung nanloloko ba ang taong iyon, o si kung
mama ba talaga iyon. Ni hindi ko rin man lamang naisip na magreply sa
number na iyon. Basta ang alam ko lang kailangan kong umuwi.

Habang papalapit na ang sinasakyan kong tricycle sa bahay, napansin
kong nakalabas ang ilan sa mga gamit namin sa bahay. Bukas ang gate at
maraming tao. Hinanap ko agad si mama. Nakita ko siyang umiiyak at may
binabasang papel. Nang tiningnan ko, isa pala itong autopsy result.
Pina-autopsy nila ang bangkay ni Maria.

" Maanong nangyari?"

"Nasaan ka ba? Hindi ka ba umuwi sa bahay?"

"Umuwi po. Bakit ano po ba ang nangyari kay Maria?

Inabot sa akin ni mama ang autopsy result. Nagulat ako at nanlamig.
Ayon sa result labing tatlong-araw nang patay si Maria. Natagpuan
siyang patay sa ilalim ng kama. Naaagnas na.

Nanginig ako. Nanlamig. Sino ang nakasama ko sa bahay nuong umuwi ako
noong Huwebes? Sino ang nakatabi ko sa pagtulog? Sino ang nagrereply
sa mga texts ko kay Maria? Natatakot ako, kinakabahan. Lalo pa ng
makita ko ang kapitbahay namin.

"PsstTagpi! Labas dito!"

Si Tagpi. Ang asong sinabi ni Mariang nasagasaan at namatay sa kulungan.

Hanggang ngayon ay malaking palaisipan parin sa akin ang nangyari kay
Maria. Malaki ba ang kahulugan ng sulat na napulot namin sa bus?
Sinubukan kong hanapin ang kahulugan ng salitang Lating iyon at ayon
sa napag-alaman ko, ganito ang kahulugan noon:

Ang salitang MORITVM (moritum) ay nangangahulugan ng kamatayan, ang
SALVTMVS (salutamus) ang nangangahulugang to salute or to give honor,
TREVI means life, ang AVE VERSVS CRISTVS (ave versus cristus) means
hail the anti-christ, ang REFLEXVM (reflexum) ay nangangahulugang
reflection, ang DEXTRVMI LENTENVM (dextrumi lentenum) means there will
be a wake (lamay) after thirteen days at ang AVE SATANI (ave satani)
ay nangangahulugang hail Satan.

Sa madaling salita, ito ay spell. Ayon sa aking nabasa, ito ay
ginagamit ng mga tao upang magpakamatay. Ginagamit rin nila ang spell
na ito upang ihain o ihandog ang sarili nila sa demonyo upang
magkaroon ng masaganang ani ang kanilang maiiwang pamilya. Sa loob ng
labing tatlong araw ay makikita mo ang taong nagbasa nito ngunit ang
totoo pala ay ito ay isang repleksyon lamang niya. Matatagpuan
nalamang ang katawan niya thirteen days after reading the spell.

Ngunit isa sa ipinagtataka ko ay bakit hindi naman nangyari sa akin
iyong nangyari sa kapatid ko? Nasagot rin ang tanong kong iyan. Ayon
sa librong "The Latin Mystery" ni Johannes Burnt, mahalaga raw ang
paraan ng pagbabasa. Marahil isa sa nagligtas sa akin ay ang
kamangmangan ko sa pagbabasa ng wikang Latin.

Writer of the story unknown. Email us at pinoyhorrorstories@gmail.com
if you own this story. (Please have a proof) Teka lang Saglit Maiba
tayo Ikaw binasa mo ba ang sulating Latin na nakapaloob sa kasaysayang
ito? Mali kaya ang pagkakabasa mo? Pareho kaya tayo? SANA

0 comments:

Post a Comment