hubpages.com
NUNO SA PUNSO by Admin JEP
by Pinoy Ghost Stories and More (Notes) on Thursday, May 12, 2011 at 3:21am
"Ogie! Titan! Ayaw pagluwas kay nangalasdose! Badi makasagi sin tawo
na diri naiimod!" yan ang mahigpit na kabilin-bilinan ng aming mga
kamag anak ng unang beses kaming makatungtong sa probinsya namin sa
isang bario ng Sorsogon.
Grade one pa lang ako nun at si kuya naman ay nasa grade three na...
Taga Bicol ang papa ko habang ang mama ko naman ay tubong Manila. Sa
Manila kami pinanganak at lumaki at dahil ito ang unang beses namin
makaranas ng bakasyon sa malayong probinsya, sabik na sabik kaming mag
gala gala...
Hindi pa maayos ang mga daanan noon papuntang Bicol kaya umabot ng
labing anim na oras ang byahe namin sa bus mula Maynila hanggang
Bicol. Dapit hapon nung umalis kami sa Manila at mga pasado alas onse
na ng umaga kinabukasan noong kami ay makarating sa aming bahay sa
probinsya.
Abala noon ang aming mga kamag anak sa pag estima sa amin. Palibhasa
sa aming pamilya kami lang ang medyo nakakaluwag noong panahon na yun
dahil sa pag abroad ni papa kaya asikasong asikaso kami.
Maganda ang probinsya namin, sariwang hangin, malawak at madaming
puno't halaman... kaya naman, kahit pinagbabawalan e na enganyo kaming
mag kapatid na mamasyal sa paligid ng aming malawak na bakuran.
Sinamantala namin ang pagiging abala ng lahat at tumalilis kami
papuntang bayabasan namin... malapit na kami sa pinakagitna ng
bayabasan ng nakasalubong namin ang aming tiyuhin. Agad nya kaming
sinama pabalik sa bahay. Nag tingin lang pala sya ng buko na pwede
nyang kunin para maihanda daw sa amin.
"Eh tito, bakit hindi nyo pa kunin ngayon tamang tama kakaiin tayo ng
tanghalian... masarap sana yun kung may kasabay na buko juice?" Tanong
ng aking kuya.
"Hindi pwede ngayon, mamaya na... mga bandang alas tres kasi
nangalasdose na eh." sagot naman ng aming tito gomer.
Bigla kong naalala yung bilin sa amin ng mga kamag anak namin kanina
noong pinagbabawalan kaming lumabas...
"Ano ba meron kung alas dose? Bakit hindi kami pwedeng mamasyal?"
Usisa ko naman...
"Alam nyo, ang alsa dose ng tanghali ang oras na naglalabasan ang mga
taong hindi nyo nakikita. Kaya kung mapapansin nyo, halos walang laman
ang kalsada dito sa mga oras na iyon dahil takot silang makasagi ng
mga nuno sa punso. Pag nasagi mo kasi sila hindi mo alam kung anong
mangyayari sa iyo..." Paliwanag ng aming tiyuhin.
Nakabalik na kami sa bahay at tuloy na ngang kumain ng tanghalian.
Pagdating ng hapon ay muli naming pinag usapan ni kuya ang tungkol sa
paliwanag ng aming tyuhin pero hindi pa rin kaming kumbinsidong totoo
nga ang nuno sa punso. Parehas kaming naniniwalang gawa gawa lang nila
ito para di kami lumbas ng bahay tuwing alas dose ng tanghali dahil
sobrang init nga naman para mag laro. Oras din ito ng pahinga ng
matatanda kaya walang may gustong magbantay sa amin kung lalabas kami
sa pagitan ng oras na iyon...
Kinabukasan ay malaya kaming nakapag laro at namitas ng mga bayabas
noong umaga... pero ng malapit na ulit ang alas dose ng tanghali ay
muli na naman kaming pina uwi at pinagbawalang lumabas.
Kahit masama sa loob namin ay agad din naman kaming sumunod sa mga
matatanda... yun nga lang tuloy pa rin kami sa pag lalaro. Gamit ang
mga tirador ng lolo ay nilibang namin ang mga sarili sa pag asinta sa
mga malalapad na dahon sa labas ng aming bakuran habang kaming dalawa
ay naka pwesto sa aming tarankahan.
Tirador dito... tirador doon... tuwang tuwa kaming nagpaulan ng bato
sa labasan noong mga oras na iyon.
Makalipas ang ilang saglit, biglang nanghina ang aking kapatid. Halos
mawalan na sya ng malay sa sobrang panghihina nya. Agad kong tinawag
ang aking mama at pinasok namin sya sa kwarto. Ang bilis ng mga
pangyayari... bigla na lang syang dinapuan ng mataas na lagnat.Nakaka
takot ang init ng katawan ni kuya noon, pakiramdam ko e ilang minuto
pa ang lumipas ay di na sya mag tatagal.
Matapos ang mga sampung minuto ay nasaksihan ko ang pagbabago ng
hitsura sa mukha ng aking kuya. Ang makinis nyang mukhang ay nag
mistulang ginulpi at kinaskas sa magaspang na semento. Ang
nakakapagtaka lang ay wala namang gumagalaw sa mukha ng aking kapatid.
Agad na nagpatawag ng albularyo ang aking lola... patakbong sinundo ng
aking tito si tata Inge, ang pinakamalapit na albularyo sa aming
bahay. Medyo mga ilang minutong lakaran din ang layo nito pero sa
pagkakataon na ito ay parang sya lang talaga ang pag asa namin para
magamot ang aking kuya.
Nang marinig ni tata Igne ang nangyari kay kuya ay agad itong tinigil
ang kanyang ginagawa at kinuha ang kayang mga kagamitan sa
panggagamot. Matandang matanda na si tata igne at may kabagalan na rin
itong maglakad pero nakikita kung pinipilit nyang magmadali na parang
may hinahabol na pagkakataong hindi pwedeng ipagpaliban...
Pag dating sa bahay ay agad nyang tiningnan ang aking kapatid na noon
ay punong puno na ng sugat at dugo sa kanyang mukha.
"Na nuno ito!" sabi ni tata igne...
Sobrang taka ko pa rin kung paano nangyari ang lahat na iyon..."totoo
nga kaya ang nuno sa punso?" tanong ko sa aking sarili.
Humingi si tata igne ng pinggan kay lola at binigyan naman nya ito ng
kulay puti at gawa sa bakal na makalumang pinggan. Pinahiran ito ng
albularyo ng dala nyang kulay berdeng langis at nagsindi ng gasera.
Habang nag uusal sya ng orasyon ay pina ikot ikot nya ang pinggan sa
ibabaw ng may sinding gasera. Ang maiitim na usok ng gasera ay unti
unting nagiwan ng marka sa pinggan at nag hugis ito ng animo'y maliit
na tao... kakaiba ito sa mga tawas na nasaksihan ko na dahil detalyado
ang hugis ng maliit na taong ito na naka porma sa pinggan.
"Ano ang ginagawa nyo bago mangyari ito sa kuya mo?" Usisa ng
matandang albularyo...
"Nag titirador lang po kami sa labas..." sagot ko naman.
"Alam nyo ba kung ano yung ginawa nyo? May natamaang nuno sa punso ang
kuya mo sa mukha at nag iwan ito ng napakalaking sugat sa mukha ng
taong hindi nakikita kaya nagalit ang ama nito at pinaramdam sa kuya
mo kung ano ang pinagdadaan ng kanyang anak sa ngayon." paliwanag ni
tata Igne.
Agad syang napakuha ng isang manok upang gawing alay sa nuno sa punso.
Lumabas si tata Igne at doon isinagawa ang ritwal ng paghingi ng tawad
at pag-aalay...
Matapos sambitin ang orasyon ay ginilitan nya ng leeg ang manok at
ikinalat ang dugo nito sa lupa kung saan kami nag aasinta ng tirador.
Sinunog nya rin ang manok at iniwan sa gitna ng bayabasan. Matapos ang
ilang saglit ay kusang lumabas ng kwarto ang aking kapatid na parang
wang nangyari. Biglang nawala ang kayang lagnat maging ang mga sugat
at dugo sa kanyang mukha. Sinubukan kung hanapin ulit ang manok na
iyon pagsapit ng hapon pero wala akong nakita kahit na bakas lang ng
alay na iyon.
Hanggang ngayon ay nanatiling palaisipan pa rin sa akin kung ano ba
talaga ang nangyari noong araw na iyon... isa itong karanasang nag
turo sa akin ng katotohanang may mga nilalang ang Diyos na hindi
nakikita ng ating mga mata. Nilalang na tulad natin ay nangangailangan
din ng respeto at puwang sa mundong ito.
"Tabi tabi po, mga nuno sa punso..."
Tuesday, April 9, 2013
Thy Will Be Done
wordpress.com
A very poor woman called a
Christian radio station asking
for help. A bad, evil man who
was listening to this radio
program decided to make
something out of it. He got her address, called his
secretary and ordered her to
buy food and take to the
woman with the following
instruction.,
"when the woman asks who sent the food, tell her that its
from the devil.''
When she arrived, the woman
was so happy and she started
putting the food inside. The Secretary asked her,
''don't you want to know who
sent the food''??
The woman answered. ''NO , it
doesn't matter, because when
GOD orders, even the devil obeys."

Unos
pinoyweekly.org
UNOS by Admin JAY - R
by Pinoy Ghost Stories and More (Notes) on Thursday, May 12, 2011 at 3:48am
Ang Liputan ay isang baryo sa Meycauayan na nakalutang sa tubig. Isa
itong munting isla na napalilibutan ng tubig. Maaari lang itong
marating sa pamamagitan ng bangka.
Sa lugar na ito nakatira ang mag-anak na Santiago. Likas na mahirap
ang pamilyang ito. Isang bangkero si Mang Uro noong ito'y nabubuhay
pa. May maliit itong bangka na siyang ginagamit panghanapbuhay.
Naghahatid siya ng mga pasahero paroo't parito sa isla ng Liputan.
Ngunit kailan lang ay sinamangpalad na mamatay si Mang Uro. Tumaob ang
sinasakyan nitong bangka at kasama ng iba pang pasahero ay bumulusok
sa maitim na tubig ng ilog Meycauayan. Sa mga sakay ng bangka, si Mang
Uro ang nagbuwis ng buhay. Pinalad na makaligtas ang kanyang mga
pasahero.
Naganap ang insidenteng iyon isang panahon na kasagsagan ng unos o
bagyo. Doon lalong nadama ng iniwang pamilya ni Mang Uro ang
kahirapan. Ang asawang si Mabel ay madalas pang may sakit. Anim ang
kanilang mga anak. Ang panganay na si Leo, na edad 17 ang umako ng
responsibilidad.
Ngunit hindi sinundan ni Leo ang yapak ng ama. Sa halip na maging
bangkero, pinili nitong magkargador sa palengke ng Meycauayan.
Madaling araw pa lang ay sumasakay na ng bangka si Leo upang
makarating sa palengke. Ang kita sa maghapong pagkakargador ay
sinisikap niyang maiuwi kinagabihan upang may makain ang maliliit pa
niyang mga kapatid at ang sakitin nilang ina. Napilitang balikatin ni
Leo ang responsibilidad dahil wala itong iba pang maaasahan. Maliliit
pa ang lima niyang kapatid. Ang ina nama'y sakitin.
Isang umaga ay tinanghali ng gising si Leo. Nasarapan ang kanyang
tulog dahil sa malamig na klima. Umuulan kasi noon. May bagyo. Nang
nagdaang gabi pa lang ay malakas na ang ulan.
"Kung ipagpaliban mo muna kaya ang alis mo, anak?"
Nakabihis na noon si Leo. Kupasing maong na shorts at lumang t-shirt
ang suot nito.
"Hindi puwede, 'Nay. Wala tayong ihahapunan kapag hindi ako pumunta ng
palengke ngayon."
"Pero malakas daw ang bagyong ito. Delikadong tumawid sa ilog. Anak…"
"Kapag takot ang pinairal natin, 'Nay, mamamatay tayong pare-pareho ng
dilat. Aalis na ho ako. Kayo na ang bahala rito. May maisasaing pa
naman tayo para sa tanghalian. Iyong sardinas kong uwi kagabi ang
ulamin ninyo. Aalis na ho ako."
Maghapong umulan. Lubhang lumaki ang tubig sa ilog ng Meycauayan.
Nasabay pa sa high tide. At maghapon ding basa ang buong katawan at
damit na suot ni Leo. Ngunit hindi nito iyon alintana sa kagustuhang
kumita ng karampot na pera sa pagbubuhat sa palengke.
Pagsapit ng gabi, tumindi pang lalo ang buhos ng ulan. Ang dati'y
higit sa anim na mga bangkang pumapalaot sa ilog upang sumundo at
maghatid sa pasahero ay naging isa na lang. Hindi na nakipagsapalaran
marahil ang ibang bangkero dahil masungit ang panahon.
Hindi na nakaimik pa ang ina ni Leo. Ngunit ang totoo, aandap-andap
ang loob nito sa pangambang mapahamak ang anak nang dahil sa unos.
Ang totoo, andap din ang loob ni Leo nang sakay na ng nag-iisang
bangka. Lima silang sakay nito at pang-anim ang bangkero. Wala isa man
sa mga sakay ng bangka ang nagtangka pang takpan ang sarili laban sa
ulan. Sadyang malakas ang ulan kaya gamitan man ng payong ay balewala
rin.
Bitbit ang bigas at ilang piraso ng isda, at ang kaunting baryang
natira sa maghapon niyang kita, umuwi na si Leo sakay ng bangka.
Hindi pa nakakalayo sa pampang ang bangka ay muling bumuhos ang ulan.
Sobrang lakas na may kasama pang hangin. Pagkuwa'y kumidlat kasunod ng
nakabibinging kulog. Napatili ang nag-iisang babaeng sakay ng bangka.
Ang tiling iyon ay nasundan nang biglang gumewang ang bangka. Naalarma
ang lahat. Sumigaw ang bangkero na huwag silang gumalaw at pumirmi
lang. Ngunit ang totoo, kabado na rin noon ang bangkero.
Ang sumunod na pangyayari ay naging mabilis na. Hindi na nakontrol ng
bangkero ang sitwasyon. Tuluyang tumaob ang bangka at ang sakay nito
ay bumulusok sa madumi, maitim at maburak na tubig ng ilog.
Pagkalipas ng mahigit isang oras, halos napapitlag si Mabel pagkarinig
sa sunud-sunod na katok. Agad nitong binuksan ang pintong halos magiba
na sa kalumaan upang mamangha sa nakita.
"Diyos ko, anak! Ano'ng nangyari sa iyo?"
Halos makulapulan ng burak ang buong katawan ni Leo. Hapo at halos
hindi nito magawang magsalita.
Tubig ang unang hiningi ni Leo. Kapiraso mang salita ay walang nasabi
si Leo sa ina hanggang igupo ito ng antok.
Kinabukasan ay kumalat sa buong baryo ang masamang balita. Tatlo ang
nawawala na sakay ng lumubog na bangka nang nagdaang gabi. Kasama ang
bangkero. Ang dalawa ay lumutang at walang buhay.
Mula sa labas ay humahangos ng pasok si Mabel. Naabutan nito si Leo na
nakaupo na waring tulala ang itsura.
"Diyos ko, anak! May nagbuwis na naman pala ng buhay sa ilog kagabi.
Nawawala ang anak ni Imelda. Iyong isa, bangkero daw at iyong isa taga
dulo daw at hindi pa umuuwi. Tiyak na sakay din daw iyon ng bangkang
lumubog. Iyong dalawa naman…"
Humagulgol nang tuluyan si Leo sa buong pagkagulat ng kanyang ina.
"A-Anak…?"
"'Nay… 'Nay, sakay din ako ng bangkang iyon…"
Napaawang ang bibig ni Mabel. Mabilis na tumulo ang luha nito sabay
kabig ng yakap sa anak.
"Diyos ko, anak…nakaligtas ka…salamat sa Diyos at nakaligtas ka..
.Diyos ko salamat po!"
Magkayakap na nag-iyakan ang mag-ina. Nang mahimasmasan si Leo ay saka
ito muling nagsalita.
"Nay, h-hindi kayo maniniwala.. .s-si.. .Tatay… siya ang nagligtas sa
akin kagabi…" kunot-noong napatitig sa anak si Mabel.
"Totoo ho.. .kitang-kita ko si Tatay.. .hinila niya ako.. .m-mahigpit
niya akong niyakap, 'Nay.
"A-Anak…?"
"I-Iyon lang ang natatandaan ko tapos.. .hindi ko na alam kung paano
ako nakarating sa pampang."
Katotohanan iyong wala nga marahil makapagpapatunay. Ngunit ang tulad
ni Leo na nasuot sa bingit ng kamatayan ay hindi magagawang
magsinungaling at humabi ng kuwento.
Pinaniwalaan ni Mabel ang sinabi ng anak. Marahil nga'y iniligtas ni
Uro ang panganay na anak na tanging kakandili sa naiwan niyang
pamilya.

Subscribe to:
Posts (Atom)